Mga poste nagtumbahan Dimasalang, Masbate matapos ang malakas na lindol

By Erwin Aguilon August 18, 2020 - 08:54 AM

Ramdam na ramdam ng mga residente ng bayan ng Dimasalang, Masbate ang malakas na lindol sa kanilang lugar.

Ayon kay Mayor Michael Demph Du-Naga, may mga TV at electric fan ang nagbagsakan.

Mayroon din anyang mga motor na natumba dahil sa lindol.

Bukod dito, sabi ni Du-Naga may mga poste ang tumagilid sa kanilang bayan.

Tumagal anya ng mahigit limang Segundo ang naramdaman nilang lindol.

Kaiba anya ang lindol na ito dahil parang tumatalon-talon at hindi pag-uga.

Dahil tabi ng dagat, minomonitor nila kung magkakaroon ng low tide pero wala naman anyang nangyayari pa ngayon.

Ang bayan ng Dimasalang ay isang bayan lamang ang layo sa bayan ng Cataingan na episentro ng lindol.

 

 

TAGS: Catangian, Dimasalang, earthquake, Inquirer News, magnitude 6.5, Masbate, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Catangian, Dimasalang, earthquake, Inquirer News, magnitude 6.5, Masbate, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.