DepEd, kailangan ng P93.6-B dagdag budget para sa printed modules – Sen. Recto
Makatutulong sa Department of Education o DepEd ang pagpapaliban ng higit isang buwan ng muling pagbubukas ng mga klase para maimprenta ang halos 100 bilyong pahina ng self-learning modules.
Ito ang sinabi ni Senate Presidente Pro Tempore Ralph Recto at aniya, ang kakailanganing 93.6 bilyong pahina ay 1,500 ulit na higit sa naimprentang 61 milyong balota noong nakaraang eleksyon.
Nakikitang malaking isyu dito ni Recto ay ang pondo, aniya kung P1 ang pag-imprenta ng bawat pahina, kakailanganin ng DepEd ng P93.6 bilyon para sa pag-imprenta at ang maaaring mailabas ng kagawaran ay hanggang P35 bilyon lang.
“Based on 20 pages per subject a week, 8 subjects, for 34 weeks, to be used by 17.206 million public school students out of the 21.507 million enrolled. “Pero kung lahat gagamit, 117 billion pages ‘yan,” sabi pa nito.
Ipunto din ng senador na mababa pa ang kanyang pagtatantiya dahil hindi lahat ng nag-aral noong nakaraang taon ay magbabalik-eskuwela ngayong taon.
Kayat aniya, hindi totoo na sa ‘online education’ ay hindi mangangailangan ng papel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.