Bilang ng Filipino abroad na tinamaan ng COVID-19, 9,908 na
Nasa 12 pa ang mga napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 17, umakyat na sa 9,908 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 72 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,338 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Dalawa naman ang bagong gumaling kung kaya 5,844 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, isa naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, 726 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,902 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,146 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 791 naman ang kaso sa Americas at 1,069 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.