Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Masbate, Lunes ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 6 kilometers Southeast ng Cataingan dakong 1:49 ng hapon.
Dalawang kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Sinabi ng Phivolcs na walang naidulot na pinsala sa nasabing bayan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.