“Virtual” ang pulong ni Pangulong Duterte sa IATF ngayong araw
Virtual meeting ang pakikipagpulong mamayang hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Ito ay matapos magpositibo muli sa COVID-19 si Interior Secretary Eduardo Año.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan kasi na pangalagaan ang kalusugan ni Pangulong Duterte.
“Nakagawian na po natin na bago po magtalumpati ang Presidente sa taumbayan ay magkakaroon po tayo ng pagpupulong. Magkakaroon po ng pagpupulong ang Presidente sa ilang miyembro ng Gabinete at ng IATF. Tuloy pa rin po ito bagama’t this will be a virtual conference dahil minabuti nga po namin na dahil nga po nagpositibo ang isa sa amin na pag-ingatan po ang kalusugan ng Presidente. Virtual meeting po ang mangyayari mamaya pero televised address po ang magiging mensah ng ating Pangulo mamayang gabi,” pahayag ni Roque.
Umuwi ng Davao City si Pangulong Duterte noong August 3 bago ang implementasyon ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.