Signal #1 itataas sa ilang lalawigan sa Northern Luzon sa sandaling maging bagyo na ang LPA sa Cagayan

August 17, 2020 - 12:29 PM

Binabantayan pa rin ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nasa bahagi ng Cagayan.

Ayon sa weather forecast ng PAGASA, ang LPA ay huling namataan sa layong 25 kilometers East ng Calayan, Cagayan at papalapit na sa Babuyan Islands.

Sinabi ng PAGASA na sa sandaling maging ganap na bagyo ay papangalanan itong ‘Helen’ at agad a magtataas ng Tropical Cyclone Wind Signal #1 ang PAGASA sa mga lalawigan sa Northern Luzon.

Babala ng PAGASA, sa sandaling magtaas na ng signal number 1 ay maaapektuhan ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa mga apektadong lugar.

Ang LPA ay inaasahang maghahatid na ng kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, Abra, Apayao, at Kalinga.

 

 

 

TAGS: #HelenPH, Cagayan, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, #HelenPH, Cagayan, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.