DTI Sec. Ramon Lopez nais maibalik ang pag-iral ng GCQ sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo August 17, 2020 - 10:42 AM

Nais ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez na maibalik sa general community quarantine ang Metro Manila at mga lalawigang kalapit nito.

Ayon kay Lopez, sa ganitong paraan unti-unting maibabalik ang sigla ng ekonomiya at magkakaroon muli ng pangkabuhayan ang mga hindi makapagtrabaho.

Sinabi ni Lopez na ang mga manggagawa na maayos ang lagay ng kalusugan ay dapat makabalik na sa trabaho.

Tiniyak din ni Lopez na mahigpit na babantayan ang mga kumpanya kung masusunod ba ng mga ito ang inisyung guidelines ng DOLE at DTI sa pagkakaroon ng health protocols sa mga opisina.

Kabilang dito ang mandatory na pagsusuot ng face mask at face shields ng mga manggagawa.

Gayundin ang pagbabawal sa mga empleyado na sabayang kumain, o mag dine-in sa canteen ng kumpanya.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, dti, GCQ, general community quarantine, Health, Inquirer News, Metro Manila, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Ramon Lopez, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, dti, GCQ, general community quarantine, Health, Inquirer News, Metro Manila, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Ramon Lopez, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.