Ilang establisyimento naisyuhan na ng warning dahil sa pagbebenta ng overpriced na face shields

By Dona Dominguez-Cargullo August 17, 2020 - 09:07 AM

May mga establisyimento nang naisyuhan ng warning dahil sa pagbebenta ng overpriced na face shields.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na noong nakaraang linggo ay nag-ikot na ang mga tauhan ng DTI para magsagawa
ng monitoring sa mga nagbebenta ng face shield.

May mga establisyimento aniyang nakita na nagbebenta ng lagpas sa itinakdang SRP o suggested retail price na 25 hanggang P50 lamang

Binalaan lamang ang mga nagtitinda at ayon sa DTI muling magsasagawa ng inspeksyon ang kanilang mga tauhan.

Sa sandaling muling makitaan ng paglabag ay maari nang pagmultahin ng P5,000 hanggang P2 milyon ang mga establisyimento.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, dti, face shield, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Overpriced, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, dti, face shield, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Overpriced, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.