P81.6-M halaga ng shabu, nasabat sa warehouse ng isang courier service company sa Mandaue City

By Angellic Jordan August 16, 2020 - 03:49 PM

Nasamsam ang mahigit 12 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P81.6 milyon sa Mandaue City, Cebu araw ng Sabado (August 15).

Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng PDEA RO7 Seaport Interdiction Unit katuwang ang PDEG Visayas, RID-RDEU 7, at Cebu Port Authority Police bandang 3:00 ng hapon.

Natagpuan ang kontrabando na itinago sa LED spotlights sa tatlong equipment flight cases.

Unang na-detect ng PDEA K9 dogs ang kontrabando sa routine random inspection sa loob ng warehouse ng courier service company.

Isinailalim sa X-Ray examination ang tatlong fight cases sa Pier 3 sa Cebu City.

Inilagay pa ang shabu sa loob ng Chinese tea packs na may itim na rubber material.

Nakumpirma rin sa on-site random screening test ng PDEA chemist na shabu ang kontrabando.

Sa ngayon, isinasagawa na ang imbestigasyon sa shipper at consignee ng nasabing cargo at mahaharap sa mga karampatang kaso.

TAGS: courier service company, Inquirer News, PDEA K9 dogs, PDEA RO7, Radyo Inquirer news, courier service company, Inquirer News, PDEA K9 dogs, PDEA RO7, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.