Emergency Room ng Pasig City General Hospital, pansamantalang isinara

By Angellic Jordan August 16, 2020 - 02:06 PM

Pansamantalang isinara ang Emergency Room ng Pasig City General Hospital (PCGH).

Ayon kay Mayor Vico Sotto, sarado ang emergency room ng nasabing ospital mula August 15 hanggang 19, 2020.

“Iniiwasan natin ang ganitong pagsara ng ER, pero marami po sa kanila ang kailangan mag-quarantine. Kung mananatili silang bukas ay masasakripisyo rin ang kanilang serbisyo sa mga pasyente,” ani Sotto.

Sakaling magkaroon ng emergency, sinabi ng alkalde na tumawag muna sa numerong 8-643-0000.

Maaari aniyang tumawag sa nasabing numero kahit walang load.

TAGS: COVID-19 response, Emergency Room of Pasig City General Hospital, Inquirer News, PCGH Emergency Room, Radyo Inquirer news, Vico Sotto, COVID-19 response, Emergency Room of Pasig City General Hospital, Inquirer News, PCGH Emergency Room, Radyo Inquirer news, Vico Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.