COVID-19 cases sa Mandaluyong City, pumalo na sa 2,076
May napaulat na 41 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Biyernes ng hapon (August 14), 2,076 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 652 ang aktibong kaso.
138 ang itinuturing na probable cases habang 1,001 ang suspected cases kung saan 8,225 ang cleared na.
Nadagdagan naman ng 34 ang mga bagong gumaling.
Dahil dito, 1,334 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Umakyat naman sa 90 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya matapos makapagtala ng isang dagdag na nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.