Motiong, Samar niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
(UPDATE) Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Samar.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 12 kilometers northeast ng bayan ng Motiong, alas-5:50 hapon ng Biyernes (August 14).
May lalim na 21 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV – Motiong, Samar & Catabalogan City
Intensity III – Hinabangan, San Sebastian & Santa Rita, Samar
Intensity II – Calbiga, Samar; Maydolong, Eastern Samar
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.
Ang pagyanig ay unang naitala sa 2 kilometers northeast ng Hinabangan, Samar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.