Pilipinas at China, nagkasagutan na sa isyu ng teritoryo

By Kathleen Betina Aenlle March 01, 2016 - 05:26 AM

mischief_reef west phil seaIkinatwiran ng China na kaya hindi sila tumutugon at dumadalo sa arbitration na iniakyat ng Pilipinas sa The Hague kaugnay ng agawan ng teritoryo sa South China Sea, ay dahil sumusunod sila sa international law.

Sa kanilang state-run newspaper na People’s Daily, iginiit ng China na hindi naman nasasakop ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) ang isyu sa agawan ng teritoryo.

Dagdag pa nila, hindi rin kasama sa kanilang deklarasyon na kaugnay sa UNCLOS noong 2006 ang mga isyu tungkol sa territorial at maritime delimitation.

Itinuro pa ng China na ang Pilipinas ang hindi sumusunod sa international law dahil hindi umano nito kinikilala ang kapangyarihan ng UNCLOS.

Pinaninindigan rin ng China ang kasabihan sa kanila na ang siyang unang mag-reklamo ay ang guilty.

Dahil dito, pumalag na si Foreign Sec. Albert del Rosario at sinabing iresponsable ang China dahil sa tingin nila, mas makapangyarihan sila sa batas.

Ani Del Rosario, kasabay ng Pilipinas ay nanawagan na rin ang iba pang mga bansa na hintayin muna ang magiging desisyon ng Arbitral Tribunal, ngunit wala itong pakialam.

Ilang beses na rin aniya nilang inimbitahan si Chinese Foreign Minister Wang Yi para ma-resolbahan ang isyu sa South China Sea ngunit lagi naman itong hindi naisasakatuparan.

Nanindigan ang China na mananatili sila sa kanilang posisyon, at na hindi nila sasakyan ang pagpa-panggap ng Pilipinas na biktima sa isyung ito para makuha ang awa ng ibang mga bansa.

Sinabi pa ng China na nagkaroon na ng kasunduan ang dalawang bansa sa pamamagitan ng joint statements at news releases kasabay ng pag-pirma nila ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).

Pilipinas anila ang lumalabag sa kasunduan dahil napag-usapan na sa DOC na reresolbahin ito sa maayos na paraan ngunit inakyat pa ito ng Pilipinas sa arbitration.

TAGS: China insists that territorial dispute is not covered by UNCLOS, China insists that territorial dispute is not covered by UNCLOS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.