PECO wala nang karapatang makapag-operate sa Iloilo City

August 13, 2020 - 10:56 AM

Walang basehan ang apela ng Panay Electric Company (PECO) sa Energy Regulatory Commission(ERC) na maibalik ang kanilang Certificate of Convenience and Necessity (CPCN) at mapayagan muling makapagoperate bilang Distribution Utility (DU) sa Illoilo City dahil wala na itong legal na kapangyarigan para gawin ito.

Ito ang paglilinaw ni dating Parañaque Rep. Gus Tambunting bilang reaksyon sa inihaing supplemental motion for reconsideration ng PECO sa ERC noong Mayo 22 kung saan hinihiling nitong mabalik ang kanilang operational permit para sila muli ang maging power supplier sa Iloilo City sa katwirang walang technical competence ang kasalukuyang DU na More Electric and Power Corp. (More Power), ani Tambunting, na dating Vice Chairman ng House Committee on Legislative Franchises, kahit pa man maibaik ang operational permit ng PECO ay malinaw na wala na itong pinaghahawakang legislative franchise.

Maging ang alegasyon ng PECO na nagkaroon ng mas maraming insidente ng brownout sa Iloilo City sa ilalim ng More Power ay hindi rin maaring gawing batayan para maibalik sa PECO ang muling pamamahala sa power supply.

Ipinaliwanag ni Tambunting na bilang ang More Power ang syang may legislative franchise na ginawad ng Kongreso at inaprubahan ng Malacanang ay ito lamang ang natatangging DU na papayagang makapagoperate sa Iloilo, aniya, ang hinihingi ng PECO sa ERC na sila muna ang magtakeover sa Iloilo ay hindi maaaring mangyari.

“More Power is the one with the franchise. More is free to ask the help of PECO if it sees fit but that would be have to be decided by More”paliwanag ni Tambunting kung saan hindi na umano pupuwedeng ipagpilitan ng PECO ang kanilang serbisyo dahil natapos na ito.

Si Tambunting ay isa sa mga mambabatas na sumuporta na maalisan ng prangkisa ang PECO kasunud na rin ng mga natanggap na ebidensya ng komite nito ukol sa kabiguan ng power firm na gampanan ang responsibilidad nito bilang power utility dahil sa isyu ng safety bunsod ng pagkasunog ng mga lumang electric poles, mataas na singil sa kuryente at mahinang customer service.

Samantala, dumepensa si More Power President and CEO Roel Castro sa tactics ng PECO na ipinalalabas na walang alam ang More Power sa pagpapatakbo ng power company,paliwanag ni Castro, sa 142 empleyado ng More Power ay 70 sa mga ito ay pawang technical team mula sa PECO na kanilang inabsorb at ngayon ay regular employees na rin ng kumpanya.

“there’s no point of saying na hindi alam ng More ang pagpapatakbo ng power company, nagbago lang ng management and resources pero we have the same technical people and engineers manning the whole system”pahayag ni Castro.

Binira din ni Castro ang tactics na ginagawa ng PECO para siraan ang More Power, isa na dito ang pagpapalobo ng numero sa naranasang brownout simula Pebrero 16,2020 hanggang Hulyo 16, 2020 na ginawang 412 oras gayong nasa kabuuang 182 oras lamang ang power interruption, para palabasin ang incompetence ng kumpanya na malinaw na panlilinlang sa publiko

“I don’t know what they’re tactics are but one should really have their ethics.More Power will not go to that extent of lying”pahayag ni Castro.

Sinabi ni Castro na ang technical readiness ng More Power ay kitang kita sa kanilang naging operasyon simula ng kanilang pagtakeover noong Pebrero 2020, pangunahin na dito ang rapid response sa mga customer complaints na nasa average na 1 oras at 30 minuto na lamang kumpara sa tugon ng PECO na inaabot ng ilang araw hanggang Linggo para masolusyunan.

 

TAGS: iloilo city, more, peco, iloilo city, more, peco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.