Hindi lubos akalain ng Pinoy na si Ronnie del Carmen na matutupad ang pangarap niyang makatanggap ng Oscar award.
Nasungkit kasi ng animated film na “Inside Out” ng Pixar Studios, kung saan siya ay tumayo bilang co-director, ang best animated feature award as 88th Academy Awards.
Ayon kay Del Carmen, bilang isang batang lalaki noon sa Cavite, pinapangarap lamang niya ang makatanggap ng Oscar trophy, pero ngayon ay nagkatotoo na ito.
Kasama niya sa tagumpay sina Peter Docter, Meg LeFauve at Josh Cooley na mga nasa likod rin ng pagsasakatuparan ng pelikula.
Ito na ang ika-walong beses na naka-tanggap ang Pixar ng best animated feature trophy.
Si Del Carmen ang kauna-unahang Pilipino na nag-codirect ng isang pelikula sa Pixar Studios, at ang kauna-uahang Pilipino rin na nakakuha ng Oscar best original screenplay nomination para sa Inside Out.
Labis na kagalakan ang naramdaman ni Del Carmen, at sinabi pa niya na hindi sila magtatagumpay kung hindi dahil sa kanilang chief creative officer na si John Lassester.
Rumampa sa red carpet si Del Carmen kasama ang kaniyang asawang si Theresa suot ang mga obra ng Hollywood designer na si Oliver Tolentino na kapwa Pinoy.
Dahil sa hirap ng buhay na dinanas rin nila noon sa Cavite, naging mas mahalaga ang tagumpay na natamasa niya para sa kaniyang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.