Kaso ng COVID-19 sa Baguio City 189 na; 2 taong gulang na COVID patient, pumanaw

By Dona Dominguez-Cargullo August 13, 2020 - 06:12 AM

Nakapagtala ng walo pang bagong kaso ng COVID-19 sa Baguio City.

Ayon sa Public Information Office ng Baguio, dahil dito, sumampa na sa 189 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa lugsod.

Sa nasabing bilang, 74 ang aktibong kaso, 6 ang pumanaw, at 109 na ang naka-recover.

Isang dalawang taong gulang na batang babae naman na tinamaan ng sakit ang pumanaw.

Ayon sa Baguio City LGU, mayroong mahigit 4,300 na residente nila ang sumasailalim sa 14-day quarantine.

Mahigit 19,400 na residente naman ang nakatapos na ng 14 na araw na quarantine.

Ang Baguio City LGU ay nakapagsagawa na ng mahigit 30,500 na Swab Test at mahigit 9,000 na Rapid Diagnostic Test.

 

 

 

 

 

 

TAGS: baguio city, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, baguio city, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.