Sen. Go, handang maunang maturukan ng COVID-19 vaccine mula Russia

By Chona Yu August 12, 2020 - 09:11 PM

Kagaya ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakahanda rin si Senador Christopher “Bong” Go na mauna sa pagpapaturok ng bakuna kontra COVID-19 na nagawa ng Russia.

Ayon kay Go, ito ay para ipakita sa sambayang Filipino.

Sa ganitong paraan din aniya, mapapalakas niya ang loob ng mga Filipino na magpabakuna kontra COVID-19.

Una rito, sinabi ng Russia na nakalikha na sila ng bakuna kontra COVID-19.

Nagpahayag na rin ng kahandaan si Pangulong Duterte na mauna sa pagpapaturok ng bakuna.

Pero ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinakailangang dumaan muna sa clinical trial ng Food and Drug Administration (FDA) ang bakuna galing Russia bago pa man ito gamitin sa mga Filipino.

TAGS: covid 19 vaccine, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 response, COVID-19 vaccine from Russia, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, covid 19 vaccine, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 response, COVID-19 vaccine from Russia, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.