2 pang empleyado ng Kamara nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2020 - 11:46 AM

Dalawa pang empleyado ng Kamara ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Secretary General Jose Luis Montales, ang isang nadagdag na pasyente ay mula sa Committee on Rules.

Pumasok siya sa trabaho mula July 20 hanggang Aug. 5.

Isinailalim siya sa COVID-19 test matapos mawalan ng panlasa at pang-amoy.

Ang ikalawang pasyente naman ay mula sa Grounds Maintenance Group ng Kamara.

Pumasok siya sa trabaho mula July 20 hanggang 30.

Na-expose naman sya sa kaniyang ka-opisina na na nauna nang nagpositibo sa sakit.

Ayon kay Montales, asymptomatic naman ang naturang empleyado.

Dahil sa dalawang bagong kaso sumampa na sa 42 ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Kamara.

 

 

TAGS: covid pandemic, covid patients, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, House of Representatives, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, covid patients, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, House of Representatives, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.