Maaapektuhan ng anim na oras na power interruption ang ilang bahagi ng Sta. Cruz sa Maynila ngayong araw.
Sa abiso ng Meralco, magsisimula ang scheduled power interruption sa Sta. Cruz alas 9:00 ng umaga at tatagal hanggang alas 3:00 ng hapon ngayong araw ng Martes.
Apektado ng brownout ang bahagi ng Sabino Padilla, Tetuan at Ronquillo Street mula sa Ongpin Street hanggang sa Rizal Avenue kabilang ang T. Alonzo Street; ang Lai Lai Place Tong Tong House, President Restaurant at ang Fair Center sa Sta. Cruz.
Ayon sa Meralco, ang dahilan ng interruption ay ang repair work nila sa kanilang Palomar substation.
Samantala, sa parehong abiso, mawawalan din ng kuryente ang ilang bahagi ng Muntinlupa City.
Ayon sa Meralco, apektado ng interruption mula alas 10:00 ng umaga hanggang ala 1:00 ng hapon ang bahagi ng President Manuel L. Quezon Ave at Ilaya Street mula sa Geremillo Street hanggang Viñalon Street kabilang ang purok 1 at 2; gayundin ang Nofuente Street sa Barangay Alabang at Barangay Cupang.
Ang dahilan ng interruption ay ang paglilipad ng primary lines ng Meralco sa kahabaan ng M.L Quezon Ave. sa Barangay Alabang.
Sa Biñan, Laguna naman ay limang oras din tatagal ang power interruption. Alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon mawawalan ng kuryente ang Zenaida Subdivision, Labrador Subdivision at JML II Subdivision sa Barangay San Antonio.
Ayon sa Meralco, magpapalit sila ng mga nabubulok nang poste ng kuryente sa Sitio Tulay-Bato Road./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.