Bacoor City Public Market isinailalim sa lockdown, ilang na vendor at staff nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo August 11, 2020 - 10:18 AM

Isinailalim sa isang linggong lockdown ang Bacoor Public Market na mas kilala sa tawag na Zapote Market.

Sa abiso ng City Government ng Bacoor, mayroong mga vendor at isang security marshall ng palengke ang nagpositibo sa COVID-19.

Sila ay pawang nagpositibo sa isinagawang mass testing ng lokal na pamahalaan.

Simula ngayong araw, August 11 sarado na ang palengke at tatagal ito hanggang sa August 18.

Habang nakasailalim sa lockdown ay magsasagawa ng disinfection sa palengke.

Nanawagan ang lokal na pamahalaan sa mga residenteng namamalengke sa Zapote Market sa pagitan ng August 5 hanggang 10 na bantayan ang kalusugan at agad makipag-ugnayan sa barangay kapag nakaranas ng sintomas.

 

 

 

TAGS: Bacoor Public Market, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, zapote public market, Bacoor Public Market, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, zapote public market

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.