PSA itinakda sa Setyembre ang pagsasagawa ng Population and Housing Census

By Dona Dominguez-Cargullo August 11, 2020 - 09:51 AM

Sa Setyembre 2020 isasagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 2020 Census of Population and Housing (CPH).

Orihinal na naka-schedule ang census noong Mayo 2020 pero dahil sa community quarantine ay ipinagpaliban ito.

Ayon sa PSA, naghanda na sila ng mga kondisyon na tutugon sa guidelines ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) para sa gagawing September 2020 field census enumeration.

Umapela din ang PSA sa publiko na lumahok sa census dahil mahalagang makuha ang kumpletong population data.

Tiniyak din ng PSA na protektado ng data privacy ang isasagot ng publiko sa census.

Sisiguruhin ding susundin ng field census workers ang pagkakaroon ng social distancing pagsusuot ng facemasks at face shields habang nagbabahay-bahay.

 

 

 

 

TAGS: 2020 Census of Population and Housing, census, field census workers, Inquirer News, News in the Philippines, Philippine Statistics Authority, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2020 Census of Population and Housing, census, field census workers, Inquirer News, News in the Philippines, Philippine Statistics Authority, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.