Shooting incident naganap sa labas ng White House; US Pres. Donald Trump inilabas ng press briefing room sa kalagitnaan ng presscon

By Dona Dominguez-Cargullo August 11, 2020 - 07:52 AM

Kinailangang putulin ng Secret Service agent ang press briefing ni US President Donald Trump matapos ang insidente ng pamamaril na naganap sa labas lang ng White House.

Humaharap sa media si Trump at nagbibigay ng update nang lapuatn siya ng isang Secret Agent, binulungan at saka ineskortan palabas.

Ilang minuto ang nakalipas ay muling bumalik sa briefing room ang pangulo ng US at sinabi sa media na may insidente ng barilan at mayroong sugatan na dinala sa ospital.

Under control na aniya ang sitwasyon, at ang suspek ay nabaril ng mga otoridad.

Maliban sa suspek ay wala naman nang ibang nasugatan.

 

 

TAGS: donald trump, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, White House, donald trump, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, White House

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.