Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, nadagdagan ng 79
Nadagdagan pa ng 79 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (August 10), 2,538 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
839 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,185 ang suspected cases.
120 namang pulis ang gumaling kung kaya umabot na sa 1,614 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Nasa 12 pa rin ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.