Paghingi kay Pangulong Duterte para manatiling House Speaker hanggang June 2022, itinanggi ni Rep. Cayetano

By Erwin Aguilon August 10, 2020 - 07:03 PM

Todo-tanggi si House Speaker Alan Peter Cayetano na lumapit siya kay Pangulong Rodrigo Duterte upang hingin ang pananatili sa puwesto kapalit ng hindi pagre-renew sa prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Cayetano, walang pabuya mula kay Pangulong Duterte ang ginawa nilang pagbasura sa franchise application ng Lopez-led broadcast company.

Giit ng pinuno ng Kamara, ang naging commitment lamang niya sa 0angulo ay tiyaking patas ang pagdinig sa 25-year franchise ng media giant.

Hinahamon naman nito ang mga nag-aakusa sa kanya na sumailalim sa lie detector test.

Si Cayetano ay nakatakdang bumaba sa kanyang puwesto bilang Speaker sa buwan ng Oktubre at papalit sa kanya si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na uupo bilang lider ng Kamara hanggang Hunyo 2022.

TAGS: 18th congress, House Speaker Alan Cayetano, House Speakership, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Lord Allan Velasco, Rodrigo Duterte, 18th congress, House Speaker Alan Cayetano, House Speakership, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Lord Allan Velasco, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.