Physician Licensure Examination sa taong 2020, dapat ituloy ng PRC

By Erwin Aguilon August 10, 2020 - 04:48 PM

Ipinatutuloy ni San Jose del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes sa Professional Regulation Commission (PRC) ang licensure examination para sa mga medical graduates sa taong 2020.

Ito ay upang matugunan ang kakulangan ng mga medical practitioners sa bansa.

Ayon sa kongresista, makailang beses nang ipinagpaliban ng PRC ang Physician Licensure Examination (PLEs) dahil sa COVID-19 pandemic at sa ipinatupad na community quarantine.

Nakaapekto aniya sa pagtugon ng mga pagamutan laban sa COVID-19 ang kakulangan ng mga doktor gayundin ay hindi ma-i-deploy o ma-tap ng full-time ang medical graduates dahil kailangan munang makapasa at makuha ang nasabing credential.

Kaugnay nito, inirekomenda ni Robes na madaliin na lamang ng PRC ang paglikha sa electronic media platform na pagsasagawaan ng examination dahil hindi pa rin sigurado kung sa Setyembre o sa Nobyembre matutuloy ang PLEs.

Sinabi pa ni Robes na nakadagdag pa sa ‘anxiety’ ng graduates ang pagkabinbin sa kanilang ‘eligibility’ dahil inobliga na silang tumulong sa anti-COVID19 efforts ng gobyerno gayong wala pa sila talagang lisensya matapos na ma-postpone ang March 2020 examinations.

Sa tala ay aabot sa 63,000 medical doctors ang kinakailangan upang matugunan ang shortage ng mga physicians sa mga pagamutan.

TAGS: Inquirer News, Physician Licensure Examination 2020, Professional Regulation Commission, Radyo Inquirer news, Rep. Rida Robes, Inquirer News, Physician Licensure Examination 2020, Professional Regulation Commission, Radyo Inquirer news, Rep. Rida Robes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.