Dagdag-bawas sa presyo sa mga produktong petrolyo, ipatutupad sa Martes (August 11)
Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo sa mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, August 11.
Sa abiso ng kumpanyang PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Flying V, Seaoil, Petron, Chevron Philippines Inc. (Caltex), Petro Gazz at Cleanfuel, may dagdag na P0.25 sa kada litro ng kanilang gasolina habang P0.20 naman ang kaltas sa kada litro ng diesel.
Sinabi naman ng Shell, Seaoil, Flying V, Petron at Caltex na may bawas na ng P0.35 ang kada litro ng kanilang kerosene o gaas.
Mauunang magpatupad ng oil price adjustment ang Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (August 11).
Kapwa epektibo naman ang dagdag-presyo ng Petron, PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Flying V, Seaoil, Petro Gazz at Shell simula 6:00 ng umaga.
Dakong 4:01 ng hapon naman tataas ang presyo sa gasolina ng Cleanfuel habang 8:01 ng umaga sa diesel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.