Yellow Warning nakataas pa rin sa Zambales at Bataan

By Dona Dominguez-Cargullo August 10, 2020 - 11:19 AM

Nakataas ang heavy rainfall warning sa Zambales at Bataan dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ngayong Lunes (August 10) yellow warning ang umiiral sa dalawang lalawigan.

Ang nararanasang pag-ulan ay epekto ng Tropical Depression Ferdie at ng Habagat.

Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, at Laguna.

Ganito na rin ang lagay ng panahon na nararanasan sa Pampanga, Cavite, Batangas at Bulacan.

Pinapayuhan ang mga naninirahan sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Ang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

 

 

TAGS: heavy rainfall warning, Pagasa, weather, yellow warning, heavy rainfall warning, Pagasa, weather, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.