Gobyerno natatalo sa “COVID-19 war” – Sen. Drilon
Sa patuloy na pagsirit pa rin ng bilang ng kaso ng COVID 19 sa bansa, sinabi ni Senate Minority Leader Frank Drilon na pagpapakita lang ito na hindi umuubra ang mga istratehiya ng gobyerno.
Diin ni Drilon palala nang palala ang pagkalat ng nakakamatay sa sakit base sa bilang ng mga naitatalang bagong kaso kumpara nang magsimula pa lang ito noong Marso.
“The spread of the virus in the country is worsening, from about 10% early on in the outbreak, the positivity rate or infection rate is now reaching 12% to 13% in the past two weeks,” sabi ni Drilon.
Puna ng senador ang palaging nababanggit ay ang increased testing capacity at hindi ang increased positivity rate.
“Our effort to prevent the spread of the virus is totally failing, because the virus continues to multiply. That is what we must arrest. We must take advantage of the lockdown to increase our contact tracing efforts,” aniya.
Ang Pilipinas na ang may pinakamatagal na lockdown period sa buong mundo, ayon kay Drilon, gayunpaman bigo pa rin ang gobyerno na pigilan ang pagkalat ng nakakamatay na sakit.
“This is not a contest; this is not a race between nations. It is a race between the virus and our health system,” diin niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.