Provincial Capitol Bldg. ng Bulacan isinailalim sa lockdown; 3 empleyado nagpositibo sa COVID-19
Isinailalim sa lockdown sa loob ng apat na araw ang provincial capitol building ng Bulacan.
Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang tatlong empeyado ng kapitolyo.
Sinimulan ang lockdown ngayong araw August 10, 2020 araw ng Lunes at tatagal hanggang sa August 14, 2020.
Ayon kay Bulacan Gov. Daniel Fernando, nagsasagawa na sila ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng tatlong empleyado.
Naka-isolate naman na ang tatlong nagpositibong empleyado.
Ang mga tanggapan na nasa labas ng capitol building ay mananatili namang bukas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.