Bulacan Provincial Capitol, isasara nang limang araw para sa disinfection
Pansamantalang isasara ang Capitol main building ng Provincial Government of Bulacan para makapagsagawa ng disinfection.
Ito ay matapos magpositibo ang tatlong empleyado sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Dahil dito, ipinag-utos ni Governor Daniel Fernando ang pagsasara ng Bulacan Provincial Capitol simula sa Lunes, August 10, hanggang sa Biyernes, August 14, 2020.
Layon nitong bigyang-proteksyon ang mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan at ang publiko na regular na pumupunta sa Kapitolyo para sa mahahalagang serbisyo at transaksyon.
Sa ngayon, naka-isolate na ang tatlong empleyado at mahigpit ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha nito.
Samantala, bukas pa rin ang lahat ng tanggapan ng Kapitolyo maliban sa main building na pansamantalang ililipat sa Hiyas ng Bulacan Convention Center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.