Siyam na bahay ang natupok sa sunog sa Barangay 83 Caloocan City Lunes (February 29) ng madaling araw.
Ayon kay Fire Officer 3 Alwin Culianan, arson investigator ng Caloocan City Bureau of Fire Protection, (BFP), nagsimula ang sunog sa 2nd floor ng isang apartment sa Guadalupe Street, Morning Breeze Subdivision.
Inuupahan umano ng isang Ricky Arevalo ang unit na pinagmulan ng apoy.
Alas 12:08 ng madaling araw nang magsimula ang sunog na umabot ng ikatlong alarma bago naapula ala 1:28.
Sa pagtaya ng BFP, nasa P4 milyon ang halaga ng mga ari-arian na nasunog at inaalaam na kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.