Walang pasok sa Laguna, Baguio City at La Trinidad

July 07, 2015 - 07:20 AM

11292702_983139331697415_78173719_nSa kabila ng paghina at patuloy na paglayo sa bansa ng bagyong Egay, may mga paaralan pa rin na walang pasok ngayong araw, Martes.

Lunes ng gabi, inanunsyo na ni Laguna Governor Ramil Hernandez ang suspensyon ng klase sa buong lalawigan para sa lahat ng antas dahil sa inaasahang pagpasok sa bansa ng bagyong Falcon na mas malakas kaysa kay Egay.

Kahapon, Lunes, bagaman nagsuspinde na ng klase ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, walang ipinatupad na suspensyon sa Laguna.

Samantala, sa Valenzuela City, balik na sa normal ang mga klase maliban lamang sa Mapulang Lupa National High School na wala pa ring pasok ngayon dahil sa tubig baha sa loob ng paaralan.

Ang Baguio City naman ay nag-suspinde rin ng klase ngayong araw para sa mga preschool habang balik na sa normal ang klase sa elementarya hanggang college. Sa La Trinidad, Benguet, suspendido rin ang klase sa preschool.

Samantala, dahil may mga lugar pa rin nakasailalim sa signal number 1 dahil sa bagyong Egay gaya ng Ilocos Norte, Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands, ang Northwest na bahagi ng Cagayan, at Apayao ay iiral ang atuomatic suspension para sa mga estdyante sa preschool level. / Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: baguiocity, laguna, Radyo Inquirer, walangpasok, baguiocity, laguna, Radyo Inquirer, walangpasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.