Tropical Depression Enteng, bahagyang bumagal; Isa pang LPA, namataan sa loob ng bansa – PAGASA
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Tropical Depression Enteng sa loob ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, huling namataan ang bagyo sa layong 500 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan bandang 3:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong Hilaga Hilagang-Silangan sa bilis na 15 kilometers per hour.
Maliban dito, may isa pang low pressure area (LPA) sa namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Namataan ang LPA sa layong 260 kilometers Kanlurang bahagi ng Iba, Zambales bandang 3:00 ng hapon.
Ani Figuracion, posibleng lumakas ang LPA at maging isang bagyo.
Patuloy pa rin naman aniyang umiiral ang Southwest Monsoon sa malaking bahagi ng bansa.
Dahil dito, asahan pa ring makararanas ng pag-ulan dulot ng trough ng Tropical Depression Enteng at Habagat.
Sabado ng gabi, August 8, iiral pa rin aniya ang monsoon rains sa Zambales, Bataan, Pangasinan, Mindoro provinces, at Palawan.
Mga panandaliang ulan naman ang mararamdaman sa bahagi ng Mindanao bunsod ng thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.