‘Patas lang dapat ang labanan’-Bongbong

By Jay Dones February 29, 2016 - 04:45 AM

 

Inquirer file photo

Dapat patas lang ang labanan.

Ito ang tugon ng kampo ni Senador Ferdinand Bongbong Marcos sa kanyang mga makakalaban sa vice presidential race matapos umani ng batikos at puna na isinabay sa nakalipas na EDSA People Power celebration noong nakaraang linggo.

Matatandaang maging si Pangulong Benigno Aquino ay ginamit ang okasyon ng EDSA celebration upang banatan si Senador Marcos at ang patuloy nitong pagmamatigas na humingi ng paumanhin sa naging kasalanan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Maging si Senador Alan Peter Cayetano na kanyang makakalaban sa puwesto sa pagka-pangalawang pangulo ay bumanat din laban sa senador sa pagsasabing dapat isauli na lamang nito ang kinamal na yaman ng kanilang angkan.

Giit ni Jonathan dela Cruz, campaign manager ni Marcos, hindi dapat gumamit ng ‘foul play’ ang mga kalaban sa puwesto tulad ni Cayetano upang kumuha lamang ng suporta sa taumbayan.

Dapat aniya, ipaalam sa publiko ang mga plataporma ng kandidato na makakatulong sa taumbayan at hindi ang siraan ang kapwa kandidato upang makaangat lamang sa iba.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.