Pagbabalik ni Ronald Cardema sa NYC, “prerogative” ni Pangulong Duterte ayon sa Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo August 07, 2020 - 03:52 PM

“Prerogative” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagtatalaga kay Ronald Cardema sa National Youth Commission (NYC).

Sa pahayag sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, na ang mga presidential appointment ay “sole” at “exclusive prerogative” ng pangulo.

Sa ilalim aniya ng Saligang Batas walang kahit na sino ang pwedeng kumwestyon dito.

Si Cardema ay napaulat na magbabalik sa NYC bilang commissioner.

Magugunitang idineklara ng Comelec na “ineligible” si Cardema para maging kinatawan ng Duterte Youth Party-list noong 2019 elections.

Ito ay dahil sa edad niya noon na 34 anyos na.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, National Youth Commission, News in the Philippines, NYC Commissioner, Radyo Inquirer, Ronald Cardema, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, National Youth Commission, News in the Philippines, NYC Commissioner, Radyo Inquirer, Ronald Cardema, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.