Pilipinas nangunguna na sa mga bansa sa ASEAN sa dami ng naitatalang kaso ng COVID-19
Naungusan na ng Pilipinas ang datos ng COVID-19 cases ng Indonesia.
Dahil dito, ang Pilipinas na ang nangunguna sa mga bansa sa ASEAN sa dami ng bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.
Ang Pilipinas ay mayroon nang kabuuang 119,460 total confirmed cases ng COVID-19.
Ang Indonesia naman ay mayroong 118,753 cases.
Ang Pilipinas din ang nangunguna sa dami ng aktibong kaso ng sakit.
Hanggang kahapon, mayroong 50,473 na active cases sa Pilipinas.
Ang Indonesia naman ay mayroong 37,587 na active cases.
Sa buong mundo ang Pilipinas ay nasa pang-22 sa pwesto sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.