Apat katao kabilang na ang dalawang bata ang nasawi makaraang tambangan ang mga ito sa sa gitna ng mataong lugar sa Cotabato City.
Kinilala ni Sr Supt Saul Supiter, hepe ng Cotabato City police ang mga biktimang sina Jun Miraayo, 22, Rahima Tan, 40, at ang kanyang mga anak na sina Guiabel, 11 taong gulang at Sansay 10.
Sakay ng habal-habal ang mga biktima nang tambangan ng mga hindi nakilalang suspek ang mga ito hanggang sa mapatay sa kahabaan ng Raja Tabunaway St.
Nabatid na kagagaling lamang ng mga biktima sa Cotabato City Jail matapos bumisita sa isang nakakulong na kamag-anak at ilang metro pa lamang ang layo mula sa piitan nang ratratin ng bala ng mga salarin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.