Sen. Imee Marcos, pinababantayan sa DTI ang presyo ng face shield
Nanawagan si Senator Imee Marcos sa Department of Trade and Industry (DTI) na bantayan ang presyo ng face shield.
Hinala ng senadora, maaaring biglang sumirit ang presyo ng face shield dahil sa paglakas ng benta.
Nangangamba si Marcos na sasamantalahin ng mga ganid na negosyante ang pangangailangan sa face shield kayat aniya, dapat nang kumilos ang DTI at magpatupad ng price ceiling.
Ibinahagi nito na nasa P30 hanggang P40 lang ang presyo ng face shield, ngunit nitong mga huling araw, napuna ni Marcos na umakyat na ang presyo sa P60 hanggang P65.
Una nang ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagsusuot ng face shield ng lahat ng mga sasakay sa mga pampublikong transportasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.