Metallic at non-metallic mining dapat gamitin ng gobyerno sa post COVID response
Hinikayat ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na gamitin ng pamahalaan na
ang mga metallic at non-metallic mining para pagkuhaan ng pondo sa post COVID-19.
Ayon kay Barbers, ang paggamit sa mga minahan para pagkuhaan ng pondo sa COVID-19 ang solusyon para mabayaran ang mga utang at makakatulong din ito para buhayin ang ekonomiya.
Nagbabala kasi Ang mambabata na sa hinaharap ay posibleng maramdaman ng bansa ang ‘shockwaves’ ng naglalakihang utang ng gobyerno na ginamit para sa COVID-19 response at implementasyon ng mga economic stimulus programs.
Batay sa Mines and Geosciences Bureau (MGB), aabot sa US$840 Billion ang halaga ng yamang-mineral na hindi pa nagagalaw sa bansa.
Ang Pilipinas ay itinuturing na panlima sa mga bansang mayayaman sa mineral tilad ng gold, nickel, copper, chromite, iron ore, lead, at zinc.
Iginiit pa ng kongresista na pakinabangan na ng bansa ang mga yamang-mineral at huwag nang hintayin na mga dayuhan pa ang makinabang dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.