DOH nagre-recruit ng mga nurse para sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa MECQ
Naghahanap na ngayon ang Department of Health (DOH) ng mga dagdag na nurse para sa Metro Manila para matugunan ang pangangailangan ng mga nagkakasakit sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bukod sa Metro Manila, magdaragdag din ng nurse sa Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.
Ito ang mga lugar na muling isinailalim sa modified enhanced community quarantine mula August 4 hanggang 18.
Ayon kay Roque, idedeploy ang mga nurse sa mga pribadong ospital.
At dahil DOH ang magre-recruit, makatatanggap ang mga nurse ng mga benepisyo gaya ng mga natatanggap ng mga nurse na nagtatrabaho sa pampublikong ospital.
May libreng accommodation, testing at free insurance na matatanggap ang mga nurse.
Umaapela na rin aniya ang DOH sa mga doktor sa Visayas at Mindanao na tumulong sa Metro Manila.
Ayon kay Roque, gagawin ng pamahalaan ang ginawa sa Cebu City kung saan matapos lumobo ang COVID cases ay tinawag ang mga hhealth workers sa mga kapalit na lugar para tumulong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.