DOTr nagpaliwanag sa mandatory na pagsusuot ng face shield sa PUVs
Nagpaliwanag si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa pag-uutos ng mandatory na pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong sasakyan simula sa August 15.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Tugade na hindi sana isipin ng publiko na dagdag gastos o abala pa ito.
Ayon kay Tugade, mas maigi na ang sobrang pag-iingat kung ang pinag-uusapan ay ang kalusugan at kaligtasan ng tao.
Ayon sa mga health experts mula sa IATF, makakatulong ang pagsusuot ng face shield, face mask, at pagsunod sa social distancing, na mabawasan ang tsansa ng isang tao na mahawa sa COVID-19.
Dahil dito, hiningi ng kalihim ang kooperasyon at pang-unawa ng lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.