Naitalang kaso ng COVID-19 sa Baguio City umabot na sa 146
By Dona Dominguez-Cargullo August 06, 2020 - 06:49 AM
Dalawang bagong kaso pa ng COVID-19 ang naitala sa Baguio City.
Sa inilabas na datos ng Baguio City Public Information Office, umabot na sa 146 ang total number ng confirmed cases sa Baguio.
Sa nasabing bilang 77 ang aktibong kaso, 66 ang gumaling na at 3 ang pumanaw.
Ang mga naitalang bagong kaso kahapon ay isang 15 anyos na babae mula sa Engineers Hill at isang 65 anyos na lalaki mula sa Irisan.
Mayroong 23 mga barangay sa Baguio ang nakasailalim sa lockdown para maiwasan ang paglaganap pa ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.