LPA na binabantayan ng PAGASA lalabas ng bansa ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo August 06, 2020 - 05:52 AM

Posibleng lumabas na ng bansa ngayong araw ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 435 kilometers West Southwest ng Puerto Princesa City.

Dahil sa trough ng naturang LPA, ang MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Mindanao at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.

Ang Metro Manila naman at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa malap na papawiri na may isolated na pag-ulan.

Wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo o papasoksa loob ng bansa sa susunod na tatlong araw.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, wether, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, wether

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.