Face shield, mandatory sa Cebu Pacific passengers

By Jan Escosio August 06, 2020 - 01:56 AM

Bilang pagtalima sa direktiba ng gobyerno, kinakailangan na may suot na face shield ang lahat ng pasahero ng Cebu Pacific simula sa Agosto 15.

Sa inilabas na pahayag ng Cebu Pacific, ang face shield ay dapat suot habang nasa loob ng eroplano at sa kahabaan ng biyahe.

Bukod pa dito, ipinatutupad din ang mandatory use of face mask sa pagpasok pa lang airport terminal hanggang sa makarating sa destinasyon.

Patuloy naman ang pagpapatupad ng Cebu Pacific ng kanilang bio-security preventive measures para sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero at crew.

Kasama na rito ang paglilinis at disinfection ng kanilang mga eroplano at pasilidad, rapid antibody testing sa kanilang frontliners at crew, gayundin ang pagpapatupad ng contactless flight procedures alinsunod sa international aviation practices.

Samantala, suspendido ang domestic flights ng Cebu Pacific hanggang Agosto 18 dahil sa pag-iral ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at karatig-lalawigan.

May mga domestic flights naman nagmumula sa Clark International Airport.

TAGS: BUsiness, cebu pacific, COVID-19 response, face shield, Inquirer News, mandatory wearing of face shield, Radyo Inquirer news, BUsiness, cebu pacific, COVID-19 response, face shield, Inquirer News, mandatory wearing of face shield, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.