Mga Filipino sa abroad na gumaling sa COVID-19, 5,730 na – DFA
Nasa 49 ang bagong napaulat na gumaling na Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 5, umakyat na sa 5,730 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit.
Nadagdagan naman ng 20 ang tinamaan ng COVID-19.
Dahil dito, nasa 9,627 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 71 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,202 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Samantala, dalawa pa ang nasawi kung kaya 695 na ang COVID-19 related deaths sa mga Pinoy abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,795 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 1,129 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 762 naman ang kaso sa Americas at 941 sa Asia Pacific Region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.