Bilang ng mga lumabag sa umiiral na election gun ban, pumalo na sa mahigit 1,500

By Mariel Cruz February 28, 2016 - 07:00 PM

gun-banUmabot na sa mahigit isanlibo at limangdaan ang naitala ng Philippine National Police na kaso ng paglabag sa umiiral na gun ban ng Commission on Elections.

Ayon sa report na inilabas ng PNP, simula ng mag-umpisa ang election period noong January 10 hanggang ngayong araw, pumalo na sa 1,561 ang lumabag sa gun ban.

Kabilang sa mga nahuli ay labing limang government officials, 11 na pulis, anim na sundalo, 20 security guards, isang fireman, dalawang miyembro ng Citizens Armed Force Geographical Units at limang miyembro ng iba pang law enforcement agencies.

Kaugnay nito, nasa 1,173 firearms at 14,818 deadly weapons naman ang nakumpiska ng pulisya sa isinagawang checkpoints.

Dahil dito, siniguro ng PNP na mas paiigtingin nila ang kanilang mga checkpoints at kampanya sa loose firearms habang papalapit ang eleksyon sa Mayo.

TAGS: Gun ban, Gun ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.