PNP Chief Gamboa wala pang iniendorso na papalit sa kaniyang pwesto

By Jan Escosio August 05, 2020 - 12:21 PM

Wala nang isang buwan ay aabutin na ni PNP Chief Archie Gamboa ang mandatory retirement age na 56 at inamin niya na wala pa siyang naiisip na papalit sa iiwanan na puwesto.

Nakatakdang magretiro si Gamboa sa Setyembre 2.

Tumangging magbigay ng sagot ang hepe ng pambansang pulisya nang tanungin siya kung may napili na siyang ieendorso kay Pangulong Duterte na maaring ipalit sa kanya.

Miyembro ng PMA Class Sinagtala Class of 1986 at dalawa sa kanyang sinundan sa puwesto, sina Sen. Bato dela Rosa at Oscar Albayalde, ang kanyang mistah o naging kaklase.

Pinalitan ni Gamboa si Albayalde noong nakaraang Oktubre 14.

Kaugnay nito, sinabi ni Gamboa na makikipag-usap pa siya kay Pangulong Duterte kung palalawigin pa ang kanyang termino.

 

TAGS: archie gamboa, Inquirer News, News in the Philippines, PNP chief, Radyo Inquirer, retirement, Tagalog breaking news, tagalog news website, archie gamboa, Inquirer News, News in the Philippines, PNP chief, Radyo Inquirer, retirement, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.