Patnongon, Antique niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
(UPDATE) Ibinaba sa magnitude 4.1 ang unang naitalang magnitude 4.6 na lindol sa lalawigan ng Antique.
Ang lindol ay naitala ng Phivolcs sa layong 49 kilometers northwest ng bayan ng Patnongon alas 8:28 ng umaga ngayong Miyerkules (Aug. 5).
Ayon sa Phivolcs 4 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ng sumusunod na intensities:
Intensity III – Culasi, Bulasong, Barbasa, and Patnongon, Antique; Libacao, at Malinao, Aklan
Intensity II – Sebaste, San Jose de Buenavista, at Belison, Antique; Madalag, Kalibo, at Tangalan, Aklan
Naitala rin ang instrumental intensities sa sumusunod na mga lugar:
Intensity III – Malinao, Aklan
Intensity II – San Jose de Buenavista, Sibalom, Sebaste, at Valderrama, Antique
Intensity I – Malay, Aklan; Jamindan, Capiz
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.