Mga Pinoy sa Lebanon pinayuhang agad na tumawag sa embahada kung naapektuhan sila ng pagsabog
Wala pang napapaulat na may Pinoy na kabilang sa nasaktan sa malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon.
Sa inilabas na abiso ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon hinimok ang mga Pinoy doon na agad tumawag o ipabatid sa embahada kung sila ay naapektuhan ng pagsabog.
Nagbigay din ng mga numero ang embahada na pwedeng tawagan ng mga Pinoy.
Sa comment box sa post ng embahada, sinabi ng mga Pinoy na ligtas naman sila matapos ang pagsabog.
Pero karamihan sa mga nag-post ng komento ay nais nang umuwi ng Pilipinas.
Umapela sila sa embahada na magpatala na ng mga Pinoy na nais magpa-repatriate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.