Malaking bahagi ng bansa makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa LPA

By Dona Dominguez-Cargullo August 05, 2020 - 05:57 AM

Maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan ang iiral ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa.

Sa weather forecast ng PAGASA, ang binabantayang LPA ay huling namataan sa bisinidad ng Malungon, Sarangani.

Dahil sa trough ng LPA, ang Bicol Region, Visayas at Mindanao, maging ang lalawigan ng Quezon at Palawan ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na mayroong kalat-kalat na pag-ulan.

Bahagyang maulap na papawirin naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, maliit pa rin ang tsansa na magiging ganap na bagyo ang LPA.

 

 

TAGS: Inquirer News, LPA, Metro Manila, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, LPA, Metro Manila, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.